Anong Pwedeng Gawin sa Stray Animals?
May nabasa kaming post online tungkol sa isang concerned citizen, at ang hinaing niya ay kung anong dapat gawin sa uncontrolled population ng stray animals sa kanilang lugar.
Valid concern ito, kaya gusto sana naming i-share ang mga naiisip naming pwedeng maging solution.
Kinakalkal ang Basura
Isang dahilan kung bakit nagkakalkal ng basura ang mga stray animals ay dahil sa gutom. Hindi sila dapat sisihin sa kagustuhan nilang mag-survive.
Kadalasan, may naamoy silang sa tingin nila ay pwede pa nilang makain sa mga basurang nilabas niyo. Ang ending nito, nagkalat ang lahat ng basura sa kalsada na ikinagagalit nang maraming tao.
Possible Solutions
- Segregate at source — sa bahay pa lang, magandang paghiwalayin na ang basura, sa nabubulok at hindi nabubulok. Depende sa kung paano kinokolekta ang basura sa lugar niyo, pwedeng ilabas niyo muna ang hindi nabubulok na basura. Kung malapit na ang basurero, saka ilabas ang mga nabubulok na basura, nang sa gayon, wala nang panahon ang mga stray animals para magkalkal. Bonus na rin na hindi mangangamoy ang mga basura niyo dahil pinaghiwalay niyo na sila.
- Composting — Sa usaping basura pa rin, Ang mga nabubulok ay pwedeng i-compost. Hindi kinakailangan ang malaking espasyo para makapag-compost. Maraming information sa internet kung paano magsimula ng sariling composting.
- Feed the animals — kung may capacity lang din kayo, maaari ring pakainin niyo ang mga stray animals para ‘di na nila guluhin ang basurahan. Mag-designate nang maayos na lalagyan ng pagkain at inumin sa inyong lugar: maaaring sa tapat ng inyong bahay o sa isang lugar kung saan hindi sila mapapahamak.
Walang Homeowners’ Association?
Nabanggit din sa post na wala silang HOA sa kanilang lugar kaya parang feeling walang nangyayari.
Pero ano bang HOA kung di isang formal institution lamang? Sigurado kaming kayang-kayang magtulungan ang magkakapitbahay lalo na’t para naman sa ikakabuti nang marami ang pag-tackle sa issue nang stray animals sa inyo.
Possible Solutions
- Ang pagpapakain ng mga stray animals ay maaari ring gawing proyekto ng magkakapitbahay para hindi ito maging mabigat para sa iisang tao o pamilya.
- Pwedeng mag-raise ng funds para magsagawa ng Trap-Neuter-Release (TNR) operation sa inyong lugar. Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), TNR “is the most effective and permanent way” of controlling the stray cat population in your community." Magtanong sa inyong LGU kung nag-o-offer sila ng TNR para sa inyong lugar.
Huwag gawin!
- Huwag ipa-impound ang mga stray animals dahil sa napakalupit nang dadanasin at sasapitin nila roon. Bilang ang araw na itinatakda ang pound na maaaring manatili ang mga nahuling hayop. Matapos nito ay papatayin na nila kapag walang naghanap at kumokop.
- Huwag lasunin ang mga stray animals.
Masagang Komunidad
Ang pagkakaroon ng pakialam at pangangalaga sa stray population ay isang indikasyon ng masaganang komunidad na may malasakit at pakialam. Ito rin ay magandang practice para bumuo ng mga makabuluhang ugnayan labas sa immediate na kasama sa bahay, kapamilya, kapitbahay.
Go back to Index